Top 15 hugot ng mga babae sa kanilang asawa pag nag aaway

1. sabi na dapat di nalang kita pinakasalan
2. ano ba ko asawa mo or katulong mo
3. sabihin mo sa akin gusto mo di ako manghuhula
4. hindi ko na alam paano pa hahatiiin ang katawan ko sa dami ng iniintindi ko
5. lahat nalang ba kailangan ako ang mag-isip
6. buti pa nung mag bf palang tayo ang sweet mo ngayon wala na
7. kaya ka ganyan kasi may iba ka na
8. nagsisi ako napinakasalan kita ang dami dami pang ibang lalaking nababaliw sa akin
9. so ano habang buhay na tayong ganito, maghiwalay na tayo
10. ayoko na pagod na ako, isosoli na kita sa nanay mo
11. ganito ka nalang ba parati, di ka na magsasalita sige tuloy mo yan hanggang mapipi ka
12. sana mag ka divorce na sa Pilipinas, ayaw ko na makasama ka.
13. Jusko Lord grant me patience baka masapak ko tong asawa ko.
14. bakit kasi ikaw pa binigay ni Lord dami namang iba dyan
15. ano na nangyari sa wedding vows mo, wala na di na natupad

Perstaymer sa Starbucks

Perstaym mo sa starbucks? Wag ka mag alala just follow this pa sosyal ways ko at never nilang mapapansin perstaym mo magkape ng mahigit 100pesos sa buong buhay mo.

1. Pagmasdan muna ang mga tao kung pano sila pumasok. Bubuksan mo ba ang pinto or si manong guard ang nagbubukas.
2. Pagpasok dapat confidently beautiful with a heart ang peg mo.
3. Smile sa barista, at kunwari pagtinanong ka ng “what will you have today?”. Smile ulit at sabihin “am still thinking of trying something new may marerecommend ka ba?”
4. Kung ano man ang sabihin ng barista oo ka nalang, basta ang importante may pang bayad ka.
5. Tandaan tatawagin ka ng barista pag ready na ang drinks mo. Check mo agad kung name mo ung nakasulat sa cup.
6. Pag kakuha ng drinks, lumapit sa mga friends mo at ipatong sa table ang drinks.
7. Sipsipin ang binili, kung hindi masarap dahan dahan sa pag react. Icheck ang resibo kung ano ung pangalan ng drinks para tama ang pagbigkas.
8. Biglang sabihin na ” this drink is not my type, highly recommended pa naman ng barista oh well”.  Gumawa ng mental note na di na ito oorderin ever.
9. Wag masyadong bagalan ang pag inom para di naman halatang first time. Saktong bilis lang.
10. Hinga ng malalim at icongratulate ang sarili mong nakasurvive ka at next time marunong ka na at mag google ka na ng flavor na masarap.

10 Kadiri Signs na meant to be kayo ng jowa mo

Sabi nga ng iba wala sa tagal ng relasyon ang pagkakatuluyuan ng tao, ito ay nasa kung gaano ka komporatable kayo sa isa’t isa, minsan naman nabuntis ka or mo lang… ano pa man ibabahagi ko parin sa inyo ito :

1. Nangungulangot habang nanunuod ng tv.
2. Dati nung simula salad ĺang ang order mo, ngayon nag aagawan pa kayo sa extra rice.
3. Ang pag utot ay para bang si elsa ng frozen lumelet it go anytime.
4. Alam na ang ibigsabihin ng amoy ng poop ng bawat isa.
5. Pinag uusapan kung nagdeposit na ba sa toilet bago umalis, at minsan dinedescribe pa sa isa’t isa.
6. Ang pagligo tuwing weekend kahit may date ay nagiging optional.
7. Umaamin na siya ang umutot.
8. Kapag hindi gusto ang palabas ay nakikipag jak en poy or kung ano mang paraan para lang maipilit kapag nanalo ang channel na gusto.
9. Nakakapag usap sa pamamagitan ng kilay at mata   lang ang gamit.
10. Hindi na nagagalit kung walang regalo sa special occassion kung di nagpapasalamat nalang na magkasama sila ng araw na iyon.

Paano malaman kung echosera ang officemate mo?

Ano nga ba ang echosera?

Charot/char/echos/echosera

Definition: Terms for “joke!” or “just kidding!” while “echosera” means a liar or a flatterer.

In short mga taong tingin ay sila ang pinaka sa lahat ng pinaka, wala ng gagaling pa sa kanila.

So ito ang 10 ways to know na meron kang “echoserang’ officemate :

  1. Mahilig mag kwento ng experience nila “kuno” — pwedeng sa dating work nila or sa mga so-called travel adventures nila. Pero pag hinanapan mo naman ng proof wala naman mapakita at ang dami ng dahilan kung bakit nawala. Or kung bigyan ng task ay kung ano ano naman ang sinasabi.
  2. Kapag nag papaturo ka ang sinasabi ay “challenge yan mars/pare”. Oh di ba ang daming natulong, pero pinag mamalaki nilang dati silang most valuable employee sa dati nilang company.
  3. Mahilig nilang sabihin ang katagang “i-google mo nalang yan masasagot ni google yan”. Buti pa si google nakakatulong siya wala lang.
  4. Para kang may sariling bundy clock lahat ng kilos mo ay alam na alam at minsan may dagdag at bawas pang bonus.
  5. Matipid siya sa pagkain at madalas sitahin ang kinakain mo kung medyo mahal, kasi ang motto nya ay hindi siya gagastos ng mahal kasi itatae  mo lang din yan pagkatapos, kahit gaano pa kamahal yan. Ayos di ba!
  6. Hindi siya na pe-peer pressure, kahit uso ang mga jordan at mga superstar. Di mo siya mapapabili, kasi isa ulit sa motto nya sa buhay ay “pare parehas lang naman ang mga sapatos kasi mahal man or mura iisa parin ang kakalagyan nila pag naiapak mo sa tae”.
  7. Isa siyang environmentalist, di siya bibili ng sasakyan kasi ayaw nyang maki-contribute sa traffic at nag iisa lang naman daw siya. Pag nalaman niyang may sasakyan ka lagot ka kasi lalabelan ka na nyang “anak mayaman” at dun mag sisimula ang kalbaryo ng buhay mo.
  8. Mahilig siyang makisali sa usapan lalo na kung mga bagong technology, gadget, uso or kahit ano man na pinag kukumpulan nyo, at parati siyang merong kakilala or nagawa na niya ung mga un.
  9. Parati siyang dudungaw sa cubicle or sa PC mo at pag nakita ka nag FB sasabihin na bawal yan. Pero siya parati nyang ginagawa un, at pag sinita mo pagagalitan ka pa na paki alamera ka.
  10. Mahilig siyang magkwento at manlibang pag lunch, sasabihin niyang sasabay siya si inyo at pag dating ng bayaran biglaang sasabihin “naku nalimutan ko ung wallet ko bayaran nalang kita pag balik”, at kahit kailan di ka na nya babayaran.

 

—the end—-